Hindi siya ang popular na sabong bareta kundi ang bio-man ng Barangay Solid Waste Management Council. Kokolektahin niya ang inyong basura kung ang mga ito ay naka-segregate (at source) - hiwalay ang nabubulok sa di nabubulok. Ang kanyang motto:“walang segregation, walang collection”.
Inilalatag ng Sanggunian ang ordinansa sa pangongolekta at paghihiwalay ng mga basura na biodegradable, compostable at reusable waste. Pasisimulan ito sa Enero 2009.
Habang wala pa si Mr. Clean, nandiyan naman ang trak na pangkuha ng basura, driver at dalawang garbage collectors. Mayroon ding limang eco-aides na araw-araw naglilinis ng buong barangay kasama ang mga sibikong samahan at mga institusyon tulad ng simbahan at paaralan.

No comments:
Post a Comment